by Leslie Ann C. Saulog, MARCH 2020
Treatment without prevention is simply unsustainable.
-Bill Gates
For the few past months, the world has been facing a pressing health issue in the form of COVID-19, which the World Health Organization has declared as a pandemic. COVID-19 is a respiratory illness caused by a new coronavirus that belongs to a large family of viruses which causes respiratory infections. Symptoms include fever, coughing, sore throat and shortness of breath. The virus can easily spread from one person to another. Good thing, good hygiene can prevent the spread of the infection.
In this article, we look at some of our host communities’ prevention techniques and tips they can share to everyone.
According to an interview with Kap Melvin Malaiba of Brgy. Loma, Biñan City, Laguna, the following are some of the preventive steps they are implementing:
“Yung unang ginawa namin, lahat na dumarating na taga-ibang bansa, persons under monitoring yon, pinupuntahan ng Barangay Health Emergency Response Team (also known as BERT). Ako ang pinaka-head non, lead kumbaga. Pinupuntahan namin yung galing ibang bansa at ini-interview namin. Pagkatapos inteviewhin, fill out sila ng form namin, pagkatapos namin na imbestigehan, 14 days quarantine sila sa bahay nila.
Pangalawa, nag-disseminate kami ng information. Nagpapaikot kami ng sasakyan with sound system na sinasabi ang mga reminders laban sa COVID-19. Sinasabi namin na mag-sanitize at alcohol lagi ng kamay. At huwag muna lumabas-labas ng bahay. Nagbibigay kami ngayon ng alcohol at Safeguard sa bawat residente. Sa ngayon lang, limitado ang alcohol pero gumagawa kami ng paraan para mabigyan lahat.
Yung depressed areas muna binigyan namin. Inuna namin sila. Meron kaming preparation ngayon, magla-lockdown na sa labasan ng aming lugar, may checkpoint na. Ang Biñan City ay COVID-19 free, ‘yan ang goal namin. Ganito kami sa Biñan, may pagkakaisa kami.
Ang tip na maibibigay ko, pagdating sa gabi kung maaari wala nang tao sa labas ng bahay. May curfew na 8 PM hanggang 5 AM. Yung mga bata talagang sinasabihan namin na huwag lalabas ng bahay. Kailangan alam natin yang social distancing. ‘Yun naman ay para sa kaligtasan ng lahat ang ginagawa natin.”
Mr. Mark Gil M. Juanito, Brgy. Secretary of Brgy. Zapote V, Bacoor City also shares the barangay’s prevention process.
“Magbuhat nang magpatupad ng community quarantine ang Pamahalaan, agad na tumalima ang Pamahalaang Barangay sa pamamagitan ng pagpapaalala sa aming mga kabarangay na huwag lumabas ng kanilang mga tahanan kung hindi naman kinakailangan; ito ay upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng COVID-19. Mabisang paraan ang pananatili sa tahanan upang maiwasan ang makasalamuha ang posibleng infected ng nasabing sakit. Ganoon din naman ay agad naghanda ang Pamahalaang Barangay ng mga pagkain at hygiene kit na ipinapamahagi sa aming mga residente upang kahit paano ay makapag-abot ng ayuda lalo na’t suspendido lahat ng trabaho sa Kalakhang Manynila at mga karatig nitong bayan.
Nagsasagawa din ng paglilinis at disinfection activity sa tulong ng iba’t ibang organisasyon; ito ay isang paraan upang masugpo ang mga mikrobyo. Amin ding hinihikayat ang aming mga kabarangay na panatilihing malinis ang kanilang mga tahanan at pangangatawan upang hindi sila agad kapitan ng anumang mikrobyo.
Iwasan ang pakikisalamuha sa mga tao, mangyaring isang metro ang pagitan sa kausap o tinatawag na social distancing. Makinig sa anunsyo ng Pamahalaan patungkol sa COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang kaalaman kung paano ito maiiwasan. Higit sa lahat, manalangin sa Poong Maykapal para mapawi na ang nangyayaring ito.”
The battle against COVID-19 is everyone’s responsibility. Let us be aware of the things that we need to do to be safe. What we can do now is keep ourselves healthy and well-sanitized from time to time. Let us not forget to continue praying for the wellness of the whole world.